Ingles para sa mga guro ng EFL – Patungo sa holistic na paglalarawan

Contributor: Jose Rommel C. Barza | Reviewer: Precious Arao | Date: 2021-5-18

Photo by Andrea Piacquadio on Pexels.com

Pangkalahatang ideya ng pag-aaral

Ang pag-aaral na iniulat sa artikulo ay isinasaalang-alang ang pagtuturo ng Ingles bilang isang banyagang wika sa Slovenia. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang makilala kung aling mga bahagi ng wika ang kinakailangan ng mga guro ng Ingles sa konteksto ng pagtuturo at sa propesyonal na pag-unlad nito. Samakatuwid, ang pag-aaral ay nakapaloob sa ideya ng pananaliksik na naglalayong pag-aralan ang mga pangangailangan na umuugnay sa target na wika (target language).

Pamamaraan ng pananaliksik

Sa papel na ito, ang pagsusuri ng mga kailangan sa target na wika para sa mga guro ng EFL ay isinagawa sa pagitan ng 2003 at 2005 sa Slovenia. Ginamitan ng Common European Framework of Reference for Languages ang pag-aaral na ito upang maging modelo ng paglalarawan ng kailangan sa wika (needs analysis) ng mga guro ng EFL sa loob at labas ng silid-aralan. Ang pananaliksik na ito ay nagbigay-ilaw sa tanong na paano nagkakaiba ang mga kailangan sa target na wika ayon sa antas at konteksto ng pagtuturo. Mahalaga ang resulta na ito para sa mga kasangkot sa pagbuo at muling pagdidisenyo ng mga programa sa pagsasanay bilang mga guro ng EFL. Sa pag-aaral na ito nakapaloob ang mga sumusunod: pagmamasid ng 48 aralin sa Ingles ng pang-elementarya at sekondarya na paaralan, tatlongmga case study ng mga baguhang guro ng EFL na nagtuturo ng wika sa pribadong paaralan, 11 na panayam sa mga guro at sa mga nangangasiwa, pagsusuri sa mga 93 na ulat galing sa mga pagsasanay sa pagtuturo na nakabatay sa paaralan na isinulat ng mga baguhang guro ng EFL na nagtapos sa University of Ljubljana.

Resulta ng pag-aaral

Batay sa resulta ng pananaliksik, ang pinakamahalagang kakayahan na kailangan sa pagtuturo ng wikang Ingles ay: pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at ang pakikinig. Ayon sa may-akda, sa kabila ng mga resulta na ito, ang mga guro na sinuri ay gumugugol lamang ng higit kumulang na 15 minuto sa isang linggo na nagsasanay sa pagsasalita. Kapag sinusuri ang mga kasanayan sa pragmatic, isiniwalat na ang paggamit ng katutubong wika ay ginagamit lamang sa limitadong diskusyon. Pinapahiwatig din ng pagsusuri na ito na ang paggamit ng artikulo at hindi direktang mga katanungan ay problema rin ng mga guro. Higit sa lahat, kinumpirma ng datos na nakolekta na ang mga kakayahan sa target na wika ay dapat iakma kaparehas ng antas at kasanayan ng mga mag-aaral, at sa kontekstong pang-edukasyon.

Practical na implikasyon / Kabuluhan

Ang pag-aaral na ito ay nagreresulta sa mga sumusunod na rekomendasyon para sa naobserbahang mga programa sa wikang Ingles: matinding pagsasanay sa mga aspeto ng komunikasyon, pagsasanay sa pagdidisenyo at pagsusulat ng mga materyales at pagsusulit sa wikang Ingles, karagdagang kasanayan para sa mga tiyak na mga tungkulin ng wika (tulad ng: pagpapaliwanag, pagpuna sa mga pagkakamali sa bahagi ng mga mag-aaral, at pagbubuo ng mga katanungan), pagsasanay sa pedagogical at pragmatic na paggamit ng katutubong wika upang ituro ang wikang Ingles, target na pagsasanay sa mga kinakailangang lingguwistika ng wikang Ingles na taliwas sa Slovenian, pagsasanay sa pagtuturo ng mga guro para sa iba’t-ibang mga edad at antas ng kaalaman sa wika. At higit sa lahat, pagsasanay sa pagbabasa nang malakas at pagbabasa ng panitikan para sa karagdagang kaalaman.

Original Text:   Sesek, U. (2007). English for teachers of EFL – Toward a holistic description. English for Specific Purposes, 26(4), 411–425. https://doi.org/10.1016/j.esp.2006.11.001

Related Summaries:

English as a foreign language: What language skills do teachers need?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s